Mga Katangian Ng Nobela
Mga katangian ng nobela
Nobela: Kahulugan at Katangian
Ang noela ay isang mahabang kathang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng balangkas. Ang mga pangyayari sa balangkas ay magkakasunod at magkakaugnay na nagpapatibay upang makabuo ng isang kawili-wiling katha. Ang pangunahing layunin ng noela ay mailahad ang hangarin ng bida at kontrabida.
Mga Katangian ng Nobela
Ang isang nobela ay nagtataglay ng maraming katangian upang maging maganda at epektibo sa mga mambabasa. Narito ang mga katangian ng nobela:
- Ang tagpo at kaisipan ay naisusulat ng maliwanag at maayos.
- Ang paglalahad ay malikhain.
- Ito ay pumupukaw ng damdamin ng mga mambabasa.
- Isinasaalang-alang ang ukol sa kaasalan.
- Ito ay maraming ligaw na tagpo at kaganapan.
- Ang pagkakasulat ay malinis at maayos.
- Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.
- Maraming magagandang tagpuan na nagpapakilala sa iba pang mga tauhan.
- Ito ay nagsasalarawan sa ibat ibang aspeto ng buhay.
- Ito ay kaaya-aya.
Para sa uri at halimbawa ng nobela, alamin sa link:
#LetsStudy
Comments
Post a Comment