Ano Ang Saliting Sanaysay At Sanaysay
Ano Ang saliting sanaysay at sanaysay
Answer:
Ang sanaysay o essay (Ingles) ay isang maikling komposisyon na naglalaman ng pananaw o opinion, mensahe, at/o ideya sa paksang tinatalakay ng may-akda. Ito ay maaring may layuning manghikayat, magbahagi ng impormasyon, mang-aliw o iba pa.
Bahagi ng sanaysay:
- Panimula o Introduksiyon – naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon na magbibigay ng ideya kung anong tatalakayin sa akda. Ito ang madalas pagbasehan ng mga mambabasa kung itutuloy pa ba nila ang pagbabasa o hindi na kaya naman dapat na nakakapukaw ito ng atensiyon o damdamin.
- Katawan o Nilalaman – naglalaman ng mga pagpapaliwanag at mga pahayag na sumusuporta sa mga ideyang nabanggit sa panimula o introduksiyon.
- Konklusyon – naglalaman ng buod ng paksa at mga ideyang inilagay ng may-akda sa sanaysay. Nakapaloob din minsan ang rekomendasyon kung kinakailangan.
2 uri ng sanaysay:
- Pormal – tumatalakay sa mga seryosong paksa na kung saan ang madalas na layunin ay magbigay ng impormasyon o magpaliwanag. Lohikal ang pagkakaayos at teknikal ang mga ginagamit na salita na nagreresulta sa seryosong tono ng akda.
- Di-pormal – madalas na layunin ay mang-aliw sa mga mambabasa. Naglalaman ito ng mga opinyon ng may-akda tungkol sa paksa. Magaan o hindi seryoso ang tono at malikhain ang pagkakasulat.
Narito ang ilang halimbawa ng sanaysay tungkol sa:
- Inspirasyon: brainly.ph/question/129543
- Experience on COVID-19: brainly.ph/question/2719621
#BrainlyLearnAtHome
#AnswerForTrees
Comments
Post a Comment